Published in DLSAU's Basic Education official newspaper,
The Seed, in my column.

Erase... Erase...
Kamusta naman ako? Mag-aalasdos na kasi ng madaling araw eh. Well, hindi lang ako pinatulog ng mga bagay na gumugulo sa isip ko. Ok, ikekwento ko sa iyo ang mga bagay na iyon. Game...
Sa unang tingin, isang ordinaryong babae, bata pa nga kamo eh. Sa unang tingin, mukhang hindi pa alam ang mga bagay na nagpapaikot sa earth. Sa unang tingin, parang ang ayos ng lahat. Sa unang tingin, parang sobrang happy. Sa unang tingin, parang hindi pa naexperience ang masaktan. Sa unang tingin, mapagkakamalang isip bata. Sa unang tingin... Sa unang tingin... Sa unang tingin... Bakit kaya hindi mo i-try na tignan ulit nang masabi mong, "HINDI RIN!"
Hindi ako ordinaryo, dahil may nag-alis na sakin doon. Hindi ko pa alam ang lahat at kahit kailan hindi ko malalaman yun pero promise gagawin ko ang lahat para malaman kahit bahagya lang ng LAHAT na iyon. Masaya ako, oo. Pero hindi ganun kasaya. Gets? Nasaktan na ko kaya lang sa layo pa ng dapat kong lakbayin alam ko na wala pa ito sa kalingkingan ng pinakamasakit na yugto sa buhay ko. Kumbaga sa nilo-launch na pelikula eh trailer pa lamang ito o sneak preview. Kumbaga sa kabuoan, pahapyaw pa lang. Bata pa nga ngunit unti-unti na akong natutong maglakad at tumakbo.
Nabanggit ng kaibigan ko na sa buhay daw eh pwede ang erasures at sang-ayon naman ako dun. Yun nga lang naisip ko na importante din na iconsider yung panulat na ginamit. Parang sa eskwela, ang bawat studyante ay may dalang notebook at bawat notebook ay may design batay sa hilig o gusto ng taong nagmamay-ari sa kanya. Ok. Araw-araw ito'y kanilang pinupunan ng mga letra, pero hindi maiiwasan ang magkamali ng pagkopya sa pisara at magkaroon ng erasures. Siguro dahil pinangunahan natin si teacher na nagsusulat sa blackboard o kaya naman eh sinubukan nating ilihis patabingi yung sulat natin, yun nga lang pangit ang kinalabasan. Pwede rin namang tinamad tayo kaya sinummarize nalang natin.
Malabo ba? Ok ganito nalang, parang sa buhay minsan o dapat ko bang sabihin na kadalasan? O sya, sige, whatever ika nga.
Unang cause ng erasure:
Minsan-slash-kadalasan masyado tayong mainipin kaya pinangugunahan natin yung oras na itinakda para sa isang bagay. O kaya naman masyado ka ng nagmamagaling, akala mo lahat alam mo na pero dun ka nagkakamali. Ayan tuloy, erase... erase... Ang panulat na ginamit ay ballpen at ang pambura sa ballpen ay liquid paper. Kung kaya naman ang ballpen ay para sa liquid paper at vice versa. Parang sa buhay ulit, lahat ng pagkakamali ay may karampatang consequences.
Pangalawang cause ng erasure:
Inilihis ang pagkakasulat yun nga lang pangit ang kinalabasan. Isipin mo, ganoon din sa buhay, nasa tama ng landas liliko pa sa kanan o kaliwa. Natural, pangit ang kahihinatnan, lapis ang pinanulat, simpleng pambura ang gamit. Pero hindi dun yon nagtatapos, depende pa yun sa volume ng lapis. Sa lebel ba, Mongol 1, 2 o 3 ba yan? Dun din nakabatay ang consequence pag sa buhay na.
Pangatlong cause ng erasure:
Tinamad, kaya sinammurize nalang. Yun nga lang pinagalitan ng teacher, edi binura yung naunang sinulat at inulit mula sa simula. Sa buhay hindi uubra ang shortcuts, hindi yun effective. Once in a blue moon mangyari pero dadaanin din sa shortcut yung mabilis na pagkawala o pagkaubos ng mga nakamtan mo. Nanalo ka ng milyones sa lotto. Aba! Instant milyonarya ka neng! Pero sa dami ng gusto mong bilhin at sa dami ng gustong ipabili sayo, mabilis din itong mauubos. Oh di kaya naman eh nagkagulo-gulo ang pamilya mo dahil sa kayamanan mo at hihilingin mo na sana hindi ka nalang nanalo. Pero huli na ang lahat ng maisip mong hindi pala iyon ang sagot sa tanong na hinahanap mo. Hindi pala pera ang makakapagpaligaya sayo. Panulat na ginamit: pentel, oh pano mo buburahin? tsk... tsk... tsk...
Maaring may erasure sa bawat pahina ng iyong notebook. Hindi ba't kapansin-pansin ang mga bakas na dulot ng erasures? Pero ang importante ipinagpatuloy mo ang pagsusulat. Hindi mahalaga ang dami ng erasures, ang mahalaga kung gaano karaming beses mong ipinagpatuloy ang pagsusulat bitbit sa iyong isip ang pag-iingat upang hindi na muling magawa ang mga dating pagkakamali na nagdulot ng erasures.
Sa buhay hindi importante kung ilang beses kang nadapa at nasugatan (Oh, applicable parin ang erasure dahil pwedeng burahin ng ointment ang sugat.) Ang mahalaga bumangon ka, unti-unting naglakad at muling tumakbo.
Akalain mo? Naisip at naisulat ko ito ng alasdos ng madaling araw! Hindi normal...Ü