CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Wednesday, June 4, 2008

Ironies ng Buhay

Oh well, bago pa man magsimula ang kaguluhan dito, define irony muna. Ayon kay mareng Merriam Websters, irony is the use of words to express something other than and especially the opposite of the literal meaning b: a usually humorous or sardonic literary style or form characterized by irony c: an ironic expression or utterance. Masyadong malalim, ano ha? Tagalugin nalang natin ang irony... PANUNUYA. Oo yun nga, mas malalim yata, sige ganito na lang, simulan na natin ang kaguluhang ito upang maunawaan mo ng lubusan ang kahulugan ng salitang irony


Napag-aaralan ang salitang irony sa English subject kung saan ito ay pinakakahulugan na, irony is an implied discrepancy between what is said and what is meant. At ang Irony na iyan ay may tatlong uri: verbal, dramatic at irony of situation. Yun nga lang hindi yan ang ilalahad ko sa inyo. Sa school kasi napag-aaralan yan ang hindi mo napapansin, araw-araw limpak-limpak na ironies ang nakakasalamuha mo nang hindi mo namamalayan.


Para sa akin, mayroong dalawang uri ng irony. Ito ay ang mandatory at optional. Ngayon, dun muna tayo sa mandatory. Ito yung klase na wala ka ng ibang magagawa dahil bahagi na talaga iyon ng buhay mo - sa ayaw at sa gusto mo. Ika nga nila kung may reklamo ka, sa barangay ka na lamang dumiretso.


Mandatory Irony # 1 -  Damit: laba at plantsa




  • Isipin mo, maglalaba ka para dumihan ang damit... at kapag madumi na ang damit, lalabhan mo ulit.


  • Hindi lang plantsa ang iinit sa tuwing gagawin mo ang bagay na ito kundi pati ang iyong ulo, lalo pa't kung ayaw mo din magplantsa tulad ko. Paplantsahin mo ang polo o blouse mo bago ka umalis ng inyong tahanan para kapag sumandal ka sa jeep, lulukutin mo lang ulit ang damit mo.

Kamusta naman?


 


Mandatory Irony # 2 - Trabaho, Pera, Sakit




  • Igugugol mo ang buong buhay mo sa pagtatrabaho, sa propesyong napili mo para kumita ka ng sandamakmak na salapi. Dahil sa sobrang pagtatrabaho mo para maka-ipon ng madaming pera, hihina ang katawan mo, para kang isang nauupos na kandila, pagkatapos lahat ng kinita mo at inipon mo ng matagal sa pagtatrabaho mo... ipampapagamot mo lang din sa sarili mo.

Kamusta naman?


 


Mandatory Irony # 3 - Aral, aral, aral




  • Dalawang taon sa kinder.. Anim na taon sa elemantarya...... Apat na taon sa high school.... (kapag nagloko ka pwede pang madagdagan.) Apat na taon sa kolehiyo.... (kapag nagloko o nagrebelde ka, pwede ka pang grumaduate na suma. Sumasampung taon na.) Kung masipagsipag ka, magmasteral ka pa............ Kaya halos buong buhay mo nag-aaral ka, tapos kapag tumanda ka na, malilimutan mo na lahat ang formula sa Physics at Math. Malilito ka na sa pag-ispell ng attitude pero  malimutan mo man lahat ng inaral mo at ang matinong pagbabaybay, nawa'y hindi ang kahulugan ng salitang mahihirapan ka nang iispell, attitude.

Kamusta, kaya pa ba?


 


Mandatory Irony # 4 - Ama, Ina, Anak




  • Iluluwal ka sa mundo ng iyong ina. Papalakihin ka ng iyong ama at ina, sorry ka nalang kung hindi ka gaanong lumaki, isipin mo nalang baby face ka naman. Sorry ka din kung lumaki ka namang sobrang laki. Hindi maglalaon, maghahangad si anak ng sarili niyang buhay, at kailangan na niyang mamuhay sa sarili niyang mga paa. Iiwan na niya ang kaniyang mga magulang, how sad. Hindi naman ako bitter dahil wala pa naman akong anak. Ha-ha! Bilang anak lang, nararamdaman ko na balang araw, maghahangad din ako ng sarili kong buhay.

Hindi na ako mangangamusta... last na yan para sa mandatory irony.


 


Sa optional ironies naman tayo. Hindi na ako gaanong mag-eenumerate. Ganito nalang...




  • Mga kulot, nagpapastraight... Mga straight, nagpapakulot.


  • Matataba, nagpapapayat... Mapapayat, nagpapataba.


  • Maiikli buhok, nagpapahaba... Mahahaba buhok, nagpapaikli ng buhok.


  • Black buhok, nagpapablonde... mga blonde, nagpapaitim ng buhok.


  • Mapuputi, nagpapatan... Maiitim, nagpapaputi.


  • Kaibigan, inaaway... Kaaway, kinakaibigan.

 


Ang labo lang talaga sa earth. Kailangan mahigpit ang kapit ng mga turnilyo mo sa isip, nang hindi ito magkalasan at magsihulog mula sa ulo mo. Sadyang may mga bagay lang talaga na ganito, sa isang banda, pinapasaya lalo ng mga ironies na ito ang buhay natin. Pero sa ibang mga ironies, siguro contentment lang ang solusyon dun.


Kaya ako next time, imbis na pahirapan ko yung sarili ko sa pagsusulat at pag-iisip, hindi nalang ako siguro magsusulat ulit ng ganito. Hehe. Pero sabi ko nga kanina, pinasasaya at pinakukulit ng mga ironies ang buhay ng isang nilalang. AT sumaya naman ako sa ginawa kong 'to, buti nalang.


Sa tingin ko, kailangan nang itigil ang kaguluhang ito.


 


END.


 


Note: Ang lahat ng mga nabanggit ay opinyon ng may pakana ng kaguluhang ito. Kung meron kang reklamo o apila, malaya kang makapagpapaliwanag sa barangay.

Tuesday, June 3, 2008

Heartstrings

06.02.08 7:25PM

I was glaring at the mirror a while ago when suddenly tears rolled down my face. I was staring at myself not knowing who I really am and what I really want. I can be the most hated bratt in the entire universe but being a bratt is simply not who I ought to be. I can also be your ordinary bad girl but I do know that I am not created to be one. And none was solely created to be bad, they just existed the moment they decided who they want to be - whether it's all good or bad.

Well definitely, I don't want to be bratt nor your typical girl and whatsoever bad. I simply want to rediscover myself and my goal as an individual and most importantly as God's servant. Oftentimes, I realize that my friends or the people around me need not to put on me a sash with the "darling of the crowd" label on it for me to decide that I want to be good. But of course, I do thank God for the good friends He showered me with who offer me help and love. What I mean is that I need not lots of people's attention and affection because only a few will do as long as they're genuine and pure.

It somehow pains me that being good is tagged along by the thought that usually all I can do is to keep silent and never explain things to people who will not in a single second understand the things I am fighting for. Still, it's a must to hit them back with more love, understanding, and acts of random kindness for them to be able to comprehend the things I am after to without saying or explaining to them a thing. Sadly, sane people do not know how to be grateful with stuffs like these...

Nevertheless, I'd rather be insane than bad.

: )