CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Wednesday, July 15, 2009

Epidemya



Sa buhay ng tao sadyang may panahon ng kasiglahan at kalungkutan... Ngunit paano na kung hindi ka pinahihintulutang maging maligaya o kahit pati na ang malumbay? Ano ka na lang? Baliw? Mangmang? Hmm... Pwede. Pero ang nais kong bigyang tuon pansin ay mga epidemiya ng buhay buhay ng bawat nilalang dito sa mundong ibabaw.

Bigla ko lamang napagtanto na ang bawat epidemiya ay may pinagmumulan... Ang bawat usok ay may apoy na pinagsimulan... Ang bawat bahing ay mga mikrobyong pinanggalingan... Bata, bata paano ka ginawa?

Kung ikaw ay isa sa mga nabiktima ng sakit na Foot and Mouth Diease noon... Parang habag mo na, magpagaling ka na... Bakit kamo? Simple lang kasi Swine Flu na ngayon eh. Kailangan mong tanggapin ang katotohanan na lipas na 'yang sakit na pinasisikat mo, lahat ng kasabayan mong tinamaan ng sakit na 'yan ay magaling na... Fully recovered na lahat. Ilang sakit na ang lumipas: SARS, Birds Flu at madami pang iba. Pero ikaw Foot and Mouth Disease padin. Kahabag-habag na nilalang... Tsk tsk tsk.


Sige, lagyan natin ng twist... Kung hindi mo pa feel na magpagaling sa ngayon... Sige lang, Fine. Whatever. Ngunit, subalit, datapwat... Mahigpit na ipinitutupad at ipanauunawa sa mga taong may sakit na dapat silang mag-ingat sa mga taong nakasasalamuha nila upang maiwasan ang manghawa o magkahawaan. Huwag mong palalain ang sakit ng ibang pasyente na kasama mo sa ward. Huwag kang magulo. Huwag kang manguha ng gamot ng may gamot. Huwag mong pakielaman ang bisita ng katabi mong pasyente. Huwag mong harangin ang nurse ng mga kasama mong pasyente. Huwag mong isipin na ikaw lang ang katangi-tanging pasyente sa buong mundo na nararapat at nangangailangang lapatan ng lunas. Higit sa lahat... Huwag mong pasanin ang problema ng buong mundo... Kasi... Mabigat.

Isang krimen ang ipagkait sa ibang pasyente ang kaligayahan sana na makatutulong sa kanilang paggaling. Krimen din ang kwestiyunin ang kalungkutang nadarama ng isang pasyenteng nag-aalala kung paano siya gagaling. Huwag kang madamot. Huwag mong gustuhin na ikaw lang parati. Huwag mong ipagkait ang mga halakhak at mga luha sa mundo.


I tenk you. Bow!


PS: Pagaling ka na please...



Orinally written last July 3, 2009
by MGC

0 Scribbles to senseful (comments):